literature

Bisikleta

Deviation Actions

arnhival's avatar
By
Published:
1.2K Views

Literature Text

'hindi ko namamalayan, ang dami na palang mga pangarap ang nabuo sa isip ko habang umaandar ang lumang bisikletang nagbigay sakin ng kasiyahan at katuwaan para makita ko ang gusto kong makita sa isip ko balang araw"


Hay..eto na naman po tayo, nag-iisip ng kung anu nga ba ang mangyayari sa susunod na mga araw. Nandito ako ngayon at gumagampan sa isang tungkulin na dapat ko talagang gawin para sa pamilya ko..palibhasa naabot ko nadin ang minsan ay nasa pangarap ko lang, pero ganun pa man hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nawawalan ng mga pangarap, pangarap sa buhay..hay, oo nga naman, kung iisipin mo parang ang hirap abutin ng mga pangarap mo nuon, iniisip mo na paano nga ba maabot ang pangarap mo kung nasa bahay ka lang at wala ka nang ginawa kundi magtanong na lang sa magulang mo kung ano nga ba ang mangyayari sa future mo na sa totoo lang ay iniisip din nila ang kung anu nga ba ang magiging magandang future natin. Sa panahon ngayon kase mahirap na ang buhay pero alam kong maraming kabataan pa rin ang nangangarap sa kung anu nga ba ang magiging future nila, syempre duon tayo sa maganda na. Lahat naman tayo malayang mangarap eh, kahit doon pa lang feeling na natin naabot na natin yon kahit bata ka pa lang, sa paanong paraan nga lang diba? Pero napakasimple lang naman, kase, nangarap ka, at sa bawat pangarap na ginawa mo ay nabuo ang isang magandang goal mo sa buhay, at pagkaraan ay bigla na lang parang bulang puputok ang pangarap mo na iyon kapag naisip mo na ang pangkasalukuyan, ganun ang gawain ng isang batang punu ng pangarap sa munti nitong edad.
Kahit ako nung bata ako ganun ang madalas kong gawin, ang mangarap. Araw araw nangangarap ako sa paraan na kaya kong makita kung anu nga ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko balang araw. Kapag wala akong ginagawa sa bahay, naghahanap ako ng malinis na kwaderno para duon itala lahat ng pangarap ko. Kung hindi ko sinusulat ay dinodrawing ko, yun lang, simpleng bagay na ganun nakakapagpasaya na ng kabataan ko.. Pero sa ganun kasimpleng gawain parang may mas gusto pa kong gawin habang nag-iisip ako.. minsan nagpunta ako sa bahay ng amang ko, madalas naman kasi ay duon ako nagagawi kasi tahimik lang dun, doon ko nagagawang mag-isip at mag-imbento ng mga bagay na gusto kong gawin, lalo na kapag natyempuhan ko ang amang ko na nandun, madalas ay kinukwentuhan ako nun ng mga bagay na hindi naman naikkwento sakin ng mga magulang ko.. hindi ko alam pero mas gusto ko ang kinukwentuhan at madalas akong makinig sa mga kwento na kapupulutan ng aral, kesa maglaro ng mga laruan na panandalian lang naman at madali rin naman mapagsasawaan..Iba ang pakiramdam kapag naupo nako sa kanlungan ng amang ko..sa ganun pa lang tipong masaya na ko..at minsan nga ng napadpad ulit ako sa bahay ng matanda, wala sya dun, naisip ko malamang ay nasa bukid yun at abala sa paggapas..nagpunta ako sa likod bahay sa wala namang kadahilanan, tapos nang may makita ako dun na mukhang nabubulok na bisikleta, siguro dahil sa lumang modelo na yun kaya tingin ko ay sobrang luma na, nilabas ko sya mula sa bodega sa likod bahay..sinubukan ko itong gamitin at sinuwerte nga naman, gumana sya..hanggang sa sikaran ko ito ng pidal at nalayo ako mula sa kinalalagyan ko.. Iba ang naramdaman ko habang pumipidal ako sa lumang bisikleta ng amang ko..magaan sa pakiramdam at tipong nakakapag-isip ka nang malalim kesa maupo ka lang sa isang tabi at don mag-isip para mangarap..hindi ko namamalayan, ang dami na palang mga pangarap ang nabuo sa isip ko habang umaandar ang lumang bisikletang nagbigay sakin ng kasiyahan at katuwaan para makita ko ang gusto kong makita sa isip ko balang araw.. Sa bawat pagsikad ko sa pidal ng bisikletang yun, mas lalo akong nabigyan at napunan ng pag-asa sa buhay. Naisip ko, bakit nga ba kelangan pa nating gawing kumplikado ang ating buhay kung nandito nga naman tayo sa mundo at kung ang direksyon nga ng buhay naman natin ay iisa lang?? diba tama naman??..sa munti kong edad noon ay naiisip ko na agad ang bagay na yun..Siguro nga ay dahil nagiging libangan ko na lang talaga ang mag-isip..pero isang bagay lang talaga ang alam ko sa ngayon, basta may bisikleta akong kayang ipidal ang mga pangarap ko, gagawin ko yun kahit anu pang lugar ang daanan ko, lubak man ang daan, maputik man o sira sira ang aspalto, basta matulin ako sa pagpidal ng bisikleta ay matatakasan ko ang mga hadlang sa daan na yun kahit habulin pa ako ng mabangis na aso..hahaha..salamat sa bisikleta ni amang, nang dahil kasi dito, napuno ako ng pag-asa at nabuhayan ng lakas ng loob para makita ko kung paano isakatuparan ang pangarap ko noon, na ngayon ay minsan nang naisakatuparan at mapupunan pa sa susunod na mga pagkakataon.




May Akda
Arnhival
Setyembre 12, 2009
5:40 ng umaga
Alabang, Muntinlupa
"Bisikleta"
One of my Journal Entry last year 2009, staying at my dorm while writing this piece..this is kinda lil bit true to life essay..when i was a child..hihihihi..wala lang..just want to share..:) thanks <3
© 2011 - 2024 arnhival
Comments6
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
PatatoDoodles's avatar