literature

Sana gan'un ka...

Deviation Actions

arnhival's avatar
By
Published:
729 Views

Literature Text

8:38 PM, Manila

Wala akong kasamang umuwi ng bahay, masyado nang gabi para magtagal pa ako sa paghihintay sa sakayan ng jeep sa bandang Pasong Tamo sa Makati. Gabi na pero wala pa ding dumadaan na sasakyan papuntang Mantrade. Weekend nun at walang pasok kinabukasan. Isang linggo ako naging busy sa kahabaan ng mga trabaho na inatupag ko sa bawat maghapon. Ganito talaga sa bagong kompanyang pinasukan ko kelangan kong magsipag sipagan, performance level nga daw sabi nila. Pero kung iisipin mo napakahirap talagang maghanap ng bagong trabaho, ang dami mong dapat pagdaanan kung pano ka makakakuha ng angkop para sa iyo. Sa limampung inapplyan mo dalawa lang doon ang may chance ka, isang waiting for call for final interview schedule, at yung isa ay ganun din..alinman sa dalawang yun ay wala rin naman akong napala. Pero sa hinaba haba nga naman ng paghihirap ko bago ko natunton ang trabaho ko ngayun, ay pinalad naman ako dahil sa hindi mo inaasahang ipapasa mo ay sya pang tatawag sayo para sabihin "congratulations, we are happy to inform you that you are accepted to fill the position blah blah blah..."..syempre masaya yung feeling na ganun ang maririnig mo..so naisip ko nung panahon na yon, ito na ang panibagong paglalakbay at panibagong pakikipagsapalaran. Pero hindi din nawawala sa isip ko ang mga kaibigan ko sa luma kong pinanggalingan, masaya silang kasama pero mas gugustuhin ko ding sundin ang susunod kong daan na tatahakin. Sabi ko wala nakong makikitang katulad nila. Dahil mga tunay silang mga kaibigan. 

Habang nag-aabang ako ng jeep sa kalyeng iyon, may isang officemate ko ang lumapit saken at binati ako..sabi nya..

"Pre! pauwi ka na? saan ang daan mo?"..wagas pa ang ngiti nya nun nung tinanong nya ako..

Nginitian ko din sya dahil kahit bago pa lang ako sa pinapasukan ko ay natandaan ko agad sya..nang makalapit na sya sa akin sabi ko lang sakanya..

"Pa-Mantrade ako, mag-e-MRT kase ako pauwi ng probinsya"
"Ah ganun ba? tamang tama sabay na lang tayo kasi mag-e-MRT din ako"..

Sa eksenang yon doon nagsimula ang lahat kung pano kame nagkakilala nang husto ng officemate ko. At hindi nagtagal ay naging matalik kameng magkaibigan. Magkasundo kame sa lahat ng bagay, sa mga kalokohan, sa mga gimikan, lakwatsahan, kainan, gaguhan, sa anime, sa pagbabasa ng SRC, at magkkwento ng mga personal problems, as in para na kameng magkapatid kung magturingan. Pero may mga bagay din naman akong napapansin sa kanya na hindi ko nagugustuhan, matagal na kameng magkaibigan pero matagal din pala nyang itinago sa aken ang isang bagay na alam nyang hindi ko ginagawa. Minsan dahil sa nalaman ko, hindi ko maiwasang pagsabihan ang lokang yun.

      "Pre, siguro bawas bawasan mo na yung ginagawa mo, masama sa katawan yun,"
      "Ayoko, hindi ko kaya kapag tinigilan ko yun, yun ang nagpapalakas saken alam mo ba?" sabay tawa pa nya.
      "Alam mo ba sa ginagawa mo pinag-uusapan kana nila," sabi ko sa kanya.
      "Wala akong pakealam sa kanila."
      "Pero ako may pakialam ako sayo, ayoko ng nakakakita ng mga nagba-back fight sayo, madami dito nyan,"saway ko sa kanya.
      "So what? as I said, wala akong pakealam sa kanila, problemahin nila buhay nila, tapos!!." natahimik ako sandali sa sinabi nyang iyon. At pagkatapos nun sabi nya...
      "Alam mo, problema lang kase sayo, masyado mong pinoproblema iniisip ng ibang tao eh, masyado kang nagpapaapekto kahit hindi ka naman talaga dapat maapektuhan, relax ka lang..wag mo silang isipin para tapos ang problema," patuloy nya..sumagot naman ako..
      "Panong wag ko silang iisipin eh ako ang nasasaktan kapag nakakarinig ako ng mga paninira nila laban sayo?  kung anu anong mga kasinungalingan at pangungutya ang sinasabi nila sa ibang tao tungkol sayo?..sige nga?..at ikaw ito wala kang pakialam kahit ikaw na ang naaagrabyado?," mataas nadin ang boses ko nun. Natahimik sya..at pagkuwan ay sumagot..
      "Hindi naman nila ako kilala.." sabi nya.

Konting katahimikan at pagkatapos ay saka ulit ako nagsalita...

      "Haay..oo alam ko, ikaw yan, ganyan ka eh, kahit sino hindi pwedeng baguhin personality mo, nakilala ka nila sa pagiging ganyan, pero..." bitin na sabi ko sakanya.
     "pero ano?.. nadis-appoint ka ba sa aken dahil ganito ako? katulad ka rin ba ng inaakala kong mga kaibigan ko pero pinlastic lang pala ako?..kung ganon isa ka din sa masasabi kong walang kwentang..-"
     "hindi ako ganon.." mahinahon kong sagot sa kanya. Sarkastikong napatawa sya.
     "Oh yun naman pala eh, bakit ang laki ng problema mo?", aniya at pagkatapos ay bumaling sa ibang direksyon. Marahang tinapik ko lamang sya sa kanyang balikat dahil kahit ako ay hindi ko alam ang saktong sasabihn sa kanya.
    "Kilala kita..at nainiwala ako sayo..kung meron mang ibang taong nagda-down sayo nandito lang naman ako handa kang damayan..," korni man pero marahang sagot ko iyon sa kanya dahil tagos yun mula sa kaibuturan ng aking puso. Hindi sya nagsalita. Sa halip ay isang malalim na buntunghininga ang kanyang pinakawalan at pagkuwa'y...
     "Isang bagay lang ang tumatak sa isip ko..wala akong pakialam sa sasabihin ng mga tao, hindi nila hawak ang buhay ko..and that's how I live hahaha!," aniya sa sarkastikong tawa na naman. Sa sinabi nyang iyon, hindi ko maiwasang hindi mapansin ang paglabas ng konting luha nya mula sa kanyang mga mata. Napakagaling talagang magtago ng emosyon ng kaibigan kong iyon. Sa ganung oras wala nakong ibang maisip gawin kung paano pagaanin ang loob nya kundi ang yakapin na lamang sya don tanda ng aking pag-aalala. At sa hindi inaasahan, lumabas din sa wakas ang emosyong matagal na niyang kinikimkim sa mahabang panahon. Nung panahon na wala pa ako sa mundong ginagalawan nya. Nung panahong mahina pa sya at madaling lokohin ng pagkakataon.

Lahat ng tao, ikaw man, ako, sila, may kanya kanyang pag-uugali na hindi mo maaring basta basta na lamang diktahan, maliban sa Diyos, wala nang ibang MAS makakaintindi kung anu nga ba talaga oh kung sino ba talaga tayo. Wag mong husgahan ang isang tao base sa itsura oh anung gawi ang nakasanayan nya. Hindi lahat ng tao nagkakaintindihan, karamihan pa nga ay nagsisiraan, parang sa politika lang ng Pilipinas yan, kung ano ang majority, yun na, kung saan mas nakakarami, dun na lang din, kung ano ang negative na lalabas papanigan mo na..sana bawat isa marunong makaintindi, bawat isa handa kang damayan sa lahat ng oras kapag pinagtutulungan ka na ng lahat.

Sana....
A sudden thoughts while walking on the street.

Created: 3:25 PM
© 2012 - 2024 arnhival
Comments6
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
archaicglint's avatar
Maganda at nakakaantig ng puso, maraming mapupulutan ng aral. Marahil darating ang panahon na hindi lang "sana" ang ating mabigkas kundi "sa ngayon" nangyayari na rin ito.

Keep up the good work. kudos