Join for FREE | Take the Tour Lost Password?
Shop deviantART for the
holidays and save BIG!
Click here! :holly:
[x]

deviantART

 

BISIKLETA

Fri Oct 2, 2009, 11:16 AM
  • Mood: Cheerful
  • Listening to: 21 Guns by Green Day
  • Reading: Stallion Series
BISIKLETA

‘hindi ko namamalayan, ang dami na palang mga pangarap ang nabuo sa isip ko habang umaandar ang lumang bisikletang nagbigay sakin ng kasiyahan at katuwaan para makita ko ang gusto kong makita sa isip ko balang araw”


Haayy..eto na naman po tayo, nag-iisip ng kung anu nga ba ang mangyayari sa susunod na mga araw. Nandito ako ngayon at gumagampan sa isang tungkulin na dapat ko talagang gawin para sa pamilya .. ko..palibhasa naabot ko nadin ang minsan ay nasa pangarap ko lang, pero ganun pa man hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nawawalan ng mga pangarap, pangarap sa buhay..hay, oo nga naman, kung iisipin mo parang ang hirap abutin ng mga pangarap mo nuon, iniisip mo na paano nga ba maabot ang pangarap mo kung nasa bahay ka lang at wala ka nang ginawa kundi magtanong na lang sa magulang mo kung ano nga ba ang mangyayari sa future mo na sa totoo lang ay iniisip din nila ang kung anu nga ba ang magiging magandang future natin. Sa panahon ngayon kase mahirap na ang buhay pero alam kong maraming kabataan pa rin ang nangangarap sa kung anu nga ba ang magiging future nila, syempre duon tayo sa maganda na. Lahat naman tayo malayang mangarap eh, kahit doon pa lang feeling na natin naabot na natin yon kahit bata ka pa lang, sa paanong paraan nga lang diba? Pero napakasimple lang naman, kase, nangarap ka, at sa bawat pangarap na ginawa mo ay nabuo ang isang magandang goal mo sa buhay, at pagkaraan ay bigla na lang parang bulang puputok ang pangarap mo na iyon kapag naisip mo na ang pangkasalukuyan…ganun ang gawain ng isang batang punu ng pangarap sa munti nitong edad.
Kahit ako nung bata ako ganun ang madalas kong gawin, ang mangarap. Araw araw nangangarap ako sa paraan na kaya kong makita kung anu nga ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko balang araw. Kapag wala akong ginagawa sa bahay, naghahanap ako ng malinis na kwaderno para duon itala lahat ng pangarap ko. Kung hindi ko sinusulat ay dinodrawing ko, yun.lang .simpleng bagay na ganun nakakapagpasaya na ng kabataan ko.. Pero sa ganun kasimpleng gawain parang may mas gusto pa kong gawin habang nag-iisip ako.. minsan nagpunta ako sa bahay ng amang ko, madalas naman kasi ay duon ako nagagawi kasi tahimik lang dun, doon ko nagagawang mag-isip at mag-imbento ng mga bagay na gusto kong gawin, lalo na kapag natyempuhan ko ang amang ko na nandun, madalas ay kinukwentuhan ako nun ng mga bagay na hindi naman naikkwento sakin ng mga magulang ko.. hindi ko alam pero mas gusto ko ang kinukwentuhan at madalas akong makinig sa mga kwento na kapupulutan ng aral, kesa maglaro ng mga laruan na panandalian lang naman at madali rin naman mapagsasawaan..Iba ang pakiramdam kapag naupo nako sa kanlungan ng amang ko..sa ganun pa lang tipong masaya na ko..at minsan nga ng napadpad ulit ako sa bahay ng matanda, wala sya dun, naisip ko malamang ay nasa bukid yun at abala sa paggapas..nagpunta ako sa likod bahay sa wala namang kadahilanan, tapos nang may makita ako dun na mukhang nabubulok na bisikleta, siguro dahil sa lumang modelo na yun kaya tingin ko ay sobrang luma na… nilabas ko sya mula sa bodega sa likod bahay..sinubukan ko itong gamitin at sinuwerte nga naman, gumana sya..hanggang sa sikaran ko ito ng pidal at nalayo ako mula sa kinalalagyan ko..
Iba ang naramdaman ko habang pumipidal ako sa lumang bisikleta ng amang ko..magaan sa pakiramdam at tipong nakakapag-isip ka nang malalim kesa maupo ka lang sa isang tabi at don mag-isip para mangarap..hindi ko namamalayan, ang dami na palang mga pangarap ang nabuo sa isip ko habang umaandar ang lumang bisikletang nagbigay sakin ng kasiyahan at katuwaan para makita ko ang gusto kong makita sa isip ko balang araw.. Sa bawat pagsikad ko sa pidal ng bisikletang yun, mas lalo akong nabigyan at napunan ng pag-asa sa buhay. Naisip ko, bakit nga ba kelangan pa nating gawing kumplikado ang ating buhay kung nandito nga naman tayo sa mundo at kung ang direksyon nga ng buhay naman natin ay iisa lang?? diba tama naman??..sa munti kong edad noon ay naiisip ko na agad ang bagay na yun..Siguro nga ay dahil nagiging libangan ko na lang talaga ang mag-isip..pero isang bagay lang talaga ang alam ko sa ngayon, basta may bisikleta akong kayang ipidal ang mga pangarap ko, gagawin ko yun kahit anu pang lugar ang daanan ko, lubak man ang daan, maputik man o sira sira ang aspalto, basta matulin ako sa pagpidal ng bisikleta ay matatakasan ko ang mga hadlang sa daan na yun kahit habulin pa ako ng mabangis na aso..hahaha..salamat sa bisikleta ni amang, nang dahil kasi dito, napuno ako ng pag-asa at nabuhayan ng lakas ng loob para makita ko kung paano isakatuparan ang pangarap ko noon, na ngayon ay minsan nang naisakatuparan at mapupunan pa sa susunod na mga pagkakataon.




May Akda
Arnhival
Setyembre 12, 2009
5:40 ng umaga
Alabang, Muntinlupa
“Bisikleta”

Nightlife At MOA

Wed Sep 9, 2009, 11:42 PM
  • Mood: Cheerful
  • Listening to: Arigatou by Bon's Single
August 16,2009

Ahahahah!! it was really FUN FU FUN saturday!!! masarap talaga pag weekend, lalu na if you really have many more penny in your pocket!! well it was saturday night, we went to MOA para magsunog ng baga, ehehe, no, ako lang pala at si Adie. anyways, that night begins here...

Napag-usapan nameng grupo na magkitakita kame sa Hen-Lin at exactly 8pm...actually hindi pa ako sure nun kase parang gusto nakong pauwiin ng tao sa bahay namen sa Bulacan, pero buti pumayag pa din sila... pero sa totoo lang ako yung nag-aya talaga sa kanila na gumala and diko expected na totoohanin pala nila ehehehe...ang bilis mag-organize ni adie ng lakad..nag-aya ng madami..ok..7pm nang magising ako sa text ni Llena and she reminds me na alas-otso..so i get up to put all my things right!..para pag-alis namen ay wala nakong aayusin pag-uwe kinabukasan. So, before 8PM, kumaen muna ko sa Jollibee while waiting for my friends, yung iba galing pa kasi ng work, sila Gian and Aiz. I saw Ate Nica there at may sariling lakad din pala ang lola. So habang nag-uusap kame dumating si chalyn, then sila Gian and Aiz, nakakain muna ang lahat bago dumating si Llena with her bebeh Ian (yikke)
:blowkiss: :love: hehehe...kinilig ang lola mo, Im happy for Llena..niweiz, hindi nagtagal, dumating din si Adie, as usual, Filipino time talaga, ang 8Pm naging 9pm..haayz, so bago kame umales kinontak muna ni Adie ung mga ibang niyaya niya kung makakasma or hine, dapat nga sa paseo ang tuloy namen then Tagaytay, but since ang alam ng iba ay sa MOA so dun na lang kame dumeretso. Actually di pa kame umaales naeexcite nako,.Natuwa ako sa mga kasama ko kase pinaunlakan nila ang panyaya ko..:happy: sa bus pa lang magulo na, tawa palang ni Adie nangingibabaw na. Igdagdag pa ang boses ni Chalyn..LOL.Picturan, si gian emo..hehe..Si Llena naman tahimik lang sila ni Aiz na nag-uusap. and then another bus going to baclaran ba yun?basta dun! picture taking ulit sa MRT station, parang mga nakawala sa selda. natawa ko kay Chalyn kase kinawawa ung isang payat pasahero sa bus!!daganan daw ba?sabgay di naman nya sadya..ngayun ko lang nalaman bagay na conductor pala si Gian..pwede!:eyepopping:
:juggle: Ok sa MOA!!while waiting for Randy, naghanap kame ng magandang bar na mapupuntahan, and with Randy napadpad kame sa padis, wahay, addict!overnight inuman, and kainan and pictures, wlang humpay na
:whisper: kwentuhan, dramahan, emohan, at tulugan..pahamak na wengweng pinatulog ako, but infairness its taste is really good! delayed nga lang ang epekto. pilit ko mamng gisingin ang diwa ko pero hindi ko na talaga kaya..knockout padin:sleepy:..and hey! Adie breaking the record!2 triple tower X ng vodka halos sya ang tumira!haha
:boo: and the rest, Llena, Gian, Aiz, Randy and Chalyn, mild lang..masya ang gabing yon kasama sila, with matching musics, sounds,mapapasayaw ka talaga!
:spank: hehe.. hahaha!!Pero bilis talaga ng oras, umaga na, hay, bitin man man pero kelangan na din nameng umuwe lalo na ko byahe pa..salamat ng marami nga pala kay Lena kase sa pag-alalay nya saken, thanks talaga ah pasensya nadin
:handshake: ..sa lahat lahat!!hindi ko naman kelangang magpakaemo habang buhay eh..basta alam ko hindi ako nag-iisa..ako lang kasi ang-iisip ng ganun. Sabi nga ni Llena walang mangyayari kung laging ganon iniisp ko. tama nga naman sya, dapat kasi lagi akong masaya :happy:..life is too short kaya dapat laging ienjoy! but all in all, sobrang saya ko talaga..with Llena, Adie, Gian, Aiz, Chalyn, and Randy..Thank you guys!!!:hug: :hug:


P.S
Kuya Tony, wag ka nang maguilty kase tapos na yun..mahalaga naging masaya kame..LOL..
:bounce::rofl:

Ice Age + Birthday

Fri Jul 24, 2009, 1:56 AM
  • Mood: Sadness
  • Listening to: Turn Back Time
  • Reading: Journal
  • Drinking: Zagu
Hello there!!!andito na naman ako..niweiz sobrang saya ko nitong mga nakaaraang araw sa kabila ng mga iniisip ko nun nakaraan pa...

Last Sunday, i was surprised by my friend to watch ice age 3 at SM North...diko din namn kasi ineexpect na matutuloy kame..una ko sanang gustong panuoorin is yung Harry Potter and The Half-Blood Prince..kaso hindi kami natuloy ng mga high school friends ko because of that "unavoidable circumstances" ika nga...hehehehe...niweiz, nag-usap kame ni monmon through text kung what time and place kame manunuod..then sunday at 9am sa house nila..before we got to ride on the bus, she gave me something worth just for me..she said a simple birthday gift..awwwchhh..really touching..then after that moment nagpaalam na kame sa mommy nya para lumarga..and then at the bus, kwentuhan, something mga anime, mga nangyari this past months nun hindi kame nagkita, biruan..hahaha..i really miss that bonding moment again...:hug: Then ayun, before we got to pass the SM nakipagmeet muna kame sa delivery boy ng book na inorder pa nya online..and wow!!The collector's item of "The Tales Of The Beedle The Bard", i ask monmon how much is that book and it's so really...*****..gwahahaha..but honestly maganda talaga yung book..its casing, lahat..at parang my mystery of magic..ganda talaga...but then of course for me if you ask me i cannot really afford to buy such book kase...mamumulubi ako hahahah!!!!pero maganda talaga...but anyways..bago namen kilatisin yung libro nag-aya si monmon kumaen of course treat nya ko..hehehe (thanks ah).. eh kaso umorder ng madame di nman pala mauubos, malas kasi wala nung gusto nyang food kaya ayun napilitan sa isa plus uminom ng softdrinks di naman pala kaya..haayy..hahaha..niweys..hehehe..

Ok!!!Nuod na kame Ice Age yippeeee!!!!parang bata excited palibhasa libre ni monmon!!hahaha!!!aayun nanurpresa na naman ang lola sa imax pala kame humantong!!!sabi ko dapat hindi na lang dun kasi mahal sabi nya basta!hay nako o de sige na nga...then ayun masaya..hahah laugh trip hanggang sa matapos yung movie..sabi ko sa kanya parang yung kwento ay sa "The Land Before Time", katulad na katulad nun, un pala naalala din nya yung movie na yun dati...ano, naggagaya lang?fav ko yun eh fav din pala nya??hahaha joke...well, niweiz, nadagdagan n naman yung common ineterest natin noh??:apir!!

matapos ang move, syempre kaen na naman..masaya..dumaan nga pala kame sa mga books, gusto ko man bulimi ng book wala naman din akong time magbasa dahil busy din kase...so hapon na napagdesisyunan na nameng umuwi..and another adventure no choice si monmon sumakay kame sa killer bus!!!hahahah!!!tawa ko lang nun!!!hanep!!aircon na aircon!!!gwahahahaha!!!!pag nakikita ko reaksyon ni monmon natatawa ko weh..peace!!!

ok ok..but you know what???even na pagod, im so happy on that day...talagang nag-enjoy ako with monmon...one of my closest friends na malakas ang power of existence (shana??)...So i am very thankful, because i treat that day as my birthday..a simple birthday gift, that no one can ever buy...and that is my HAPPINESS and our FRIENDSHIP...thanks monmon ah!!your the Best!!!:clap:

One Fine Day

Sun May 24, 2009, 3:22 AM
  • Mood: Sadness
  • Listening to: humming bird
  • Reading: letters
  • Watching: waterfalls
  • Playing: battle city
  • Eating: halo-halo
  • Drinking: zagu
...kulang na nga lang mag stay ako sa kumbento at magdasal ng mataimtim eh..pinapanalangin ko ang kaligtasan ng buong mundo..ang kapayapaan ng bawat isa at pagmamahalan na dapat lumaganap sa lahat...


Hello Deviantart!!!Arnhival again here just dropping by to update my journal..

hay!!its been too long since em not updating may deviant account because of that bishieness chuva chuva chorvah!!(bishi daw??hehehe)
ahmmm..anung latest??wula naman..emo pa din gaya ng dati..naglaslas ako kanina pero wala lang kasi manhid nako kaya wala nang dugong dumadaloy sa kin kasi hindi ko na din maramdaman eh...oh where's Kira???Kira mah friend i need you here!!!tulungan mokong mag...wala lang..hehehe..well anyways yun nga!!!hehehe..

hinde serious..wala kasi kaming pashok ngayun at sa wednesday pa balik namen..masaya naman sa trabaho nga lang minsan nakakabagot kasi ewan..minsan badtrip(lagi naman eh)..minsan sobrang saya at minsan diko din maexplain kung anu ba dapat kong maramdaman...masaya naman ako sa mga kaibigan ko dun..nalilibang minsan..ewan ko ba??feel FREE naman ako kasi solo flight naman ako, nagagawa ko gusto kong gawen, pwdeng kumaen anytime, lahat ng oras ko nagagawa ko..pero hindi rin naman natin maikakaila na...malungkot padin pala, pag...mag-isa...ka...haaayy..oo sa madami naman akong kaibigan..kaibigan na hindi mga makaalala..yun paisa..palibhasa mga nakasabit na kaya yun nakakalimot na din makaalala..sabagay kung ako man yun..hay..pero sa ngayun, ok lang,tahimik...kulang na nga lang mag stay ako sa kumbento at magdasal ng mataimtim eh..pinapanalangin ko ang kaligtasan ng buong mundo..ang kapayapaan ng bawat isa at pagmamahalan na dapat lumaganap sa lahat...pagmamahal na minsan kaya pang paglaruan..ewan ko nga ba sa mga taong yun..kung ako nga sa sarili ko nagtataka ako..hindi daw kase ako marunung magmahal eh..magkaganun man impossible..ako pa tong tinanung mo number one na manhid..care ko..hay...kung kaya ko nga lang isulat yung mga nangyayari e di dapat isinulat ko na...sabagay..sino nga ba naman ang gumagawa ng kapalaran natin e di ba tayu din naman??kaya dapat gawin na natin ng maayus yung buhay natin hindi yung lalu pang dinadagdagan ng problema..(oh highblood)

hay nako..kelangan ko na nga palang magpaayus ng mata..sobrang labo na..sige need time to rest at sa susunod na mga araw..diko alam kung pano ko ulit gagalaw..basta mahalaga hindi nawawala yung mga taong nanjan parasakin..masaya nako dun..

P.S. magtatanim nga pala ako ng petsay at okra sa likod bahay namen..sana tumubo agad..

Holy Week...

Sat Apr 11, 2009, 3:23 AM
  • Mood: Sadness
  • Listening to: moment of truth by fm static
  • Reading: text messages
  • Watching: dvd, anything na mapagllibangan
  • Playing: anything
  • Eating: fries
  • Drinking: zagu
"gsto ko man gumala, lumabas pero hindi ko alm kung san ako pupunta??dahl kahit saan ako dalhing ng mga paa ko, hindi ko padin maramdaman yung sayang hinahanap ko"


Hi, here i am, again, dropping by lang updating my journal..haay...this past few weeks naging sobrang busy ako at hindi ko alam kung pano ko gagalaw sa sarili ko dahil para lang akong robot na sunud sunuran sa pagcontrol ng company busines n a inapasukan ko sa mga schedule na walang tigil..daig pa namen mga call center agent sa ginagawa nila,,,past two weeks na hindi kami nagkaroon ng rest days, ni hindi ko nga naramdaman ang weekend eh..biruin mo 12 working hours a day, tulog, kain trabaho..laging ganun..never kong inexpect na magseset ng ganung schedule na kahit linggo ay may pasok padin kami habang ang iba ay nagsasaya...2 or 3 weeks, hindi ako nakauwi ng bulacan sa ganung katagal na araw..lahat ng ibang lakad ko ay ginive-up ko because of that f*#k!ng schedule!!!pero, sabi ng mga friends ko.."bawi na lang tayo sa holy week", so nagset kame n outing para marefresh naman kme sa mga frustrations na nakuha namen..we're really excited kase plan namen sa beach magspend ng time somewhere in Batangas "kako sa kanila never pakong nakarating ng batangas" so yun..nagset kame ng aprill at naorganize na ang dapat maorganize..and know wht??? 2of us nagbackout, personl problem, halos lahat nabadtrip nadissappoint etc..so what happen??wag na lang ituloy ang outing..sad, sad, sad,...so hindi na nga natuloy..april 18 umuwi nako ng bulacan..excited din akong umuwi that time..namiss ko ng sobra ang lugar namen..and of course my family..and friends there...nagbawi muna ng tulog..and i forgot, its my granpa's death anniv..oo nga noh??kala ko pa naman makakattend kame ng opening ng prusisyon dat day, so un..peaceful, tahimik, pero parang kulang, at kalungkot..parang di ako sanay sa tahimik ngayun..pero nakakrelax kahit sobrang init ng panahon..anyways, the next day, april 9 nasa bahy lang ako pero inaya ako ng friend ko na gumala, kain lakad, kwentuhan, just an ordinary day, net day april 10, text text, reading books, watching anime, eat eat, then ayun with my mother, puntang prusisyon para sa closing..aywan ko pero parang nalungkot pa din ako..parang may kulang kasi..anyways..nakakapanibago..parang ang lungkot lungkot padin..hindi ko alm kung saan ako nalulungkot..dahil ba sa katahimikan ng bahay nemen, or dahil sa iba na hindi ko maipaliwanag..i am looking for the presence of my close friends that days..halos mga guy friends lang nakasama ko, but i am not really satisfied, gusto ko man gumala, lumabas pero hindi ko alm kung san ako pupunta??dahl kahit saan ako dalhing ng mga paa ko, hindi ko padin maramdaman yung sayang hinahanap ko..ganito na ba ko sobrang kafrustrated?? parang...i need something na hindi ko alm kung ano??


ganun pa man, sa kabilang bandaagawa ko pa ring gunitain ang presensya ng ating panginoon ng mga araw na yun..nagpapasalamat ako, nang dahil sa kanya, ay may mga bagay na meron akong pinagkakaabalahan, sabihin nating kahit mahirap, ayus lang..that's life eh..nagyun, im here, spending time alone, again, but its ok..sa madaling salita..mnag-eemo na namn ako ngayun..hehehe..anyways..til next time..

Journal History

Site Map